nothinbox
maganda basahin sa saliw ng Home ni Sir Gary Valenciano :)
kailan pa naging maganda
ang dugong nagpapakita
ng sakit, sugat, pighati,
sa kulay na wala madungis sa puti.
kulay ng sakit ang maraka nito,
kulay ng dugo. kulay ng dugo.
o kailan ka pa nagustuhan ng dalamhati?
kailan pa naging “welcome”, sayo ang pagbati?
kulay, o bakit maganda?
sa pusong sawang sawa
sa sugat pisikal, o mapadamdamin
sa sugat sa labas, o sugat na mahirap aminin.
o bakit kay sikat, palaging naririnig?
bawat nguso at labi, bawat tinig,
punto, wika, kultura o sining
ano ang ibig sabihin nila pag sinabing “pula” ay “pag-ibig”?
tatlong na pako,
tatlong salita.
may binabalak palang ako,
sinabi mo, “Tapos na.”
bakit ganon? bakit ang daya?
bakit wala akong pwedeng magawa?
kahit ang bagsak na sarili hindi pa itinihaya
bakit sinabi Mong ako’y malaya?
bakit wala akong ginawa?
ng lahat sila’y sinisigawan Ka’t, di ka nagmakaawa?
kahit ang pawis Mo’y dugo na,
kahit ang pangalan Mo’y wasak na
bakit hindi ako nagsalita?
noong puro kasinungalingan ang kanilang talinghaga?
nagmula sa mga tuyong baga, walang katuturang pag aakusa,
bakit hindi Mo sila sinagot, kahit isa? kahit isa.
bakit nanood lang ako?
karga mo ang hindi Sayo,
karga mo ang sa kanila,
karga mo ang pinaka nakakahiyang bandila.
bakit hindi mo ako tinuro?
bakit hindi Ka nagalit sa puso ko??!!
bakit hindi mo ako tinignan ng may galit??
bakit hindi mo ako sinisi? kahit isang saglit.. kahit isang saglit
bakit Mo ba ginawa ito??
ang aking napakaduming buhay iyong inako
bakit ba mahal mo ako?
bakit ba mahal na mahal mo ako?
bakit..
bakit..
bakit ba mahal mo ako.
bakit hindi ko matanggap?
na ang hangin ng kapatawaran aking dapat malanghap
na buo na ang puso kong umasa
sa isang pag-ibig na hindi ako ipapasa- pasa
na may yakap na mas masarap kaysa sa isang pangako
bumabalot na parang kumot, hindi lang sa katawan..
pati sa buhay ng isang taong blangko..
walang katuturan, walang kahulugan, walang halaga,
walang pakialam, walang buhay…
parang isang canvas na walang pinta, walang puminta.. walang kulay.
puti.
pero blangko.
bukas.
pero walang laman.
kaya pala.
kaya pala pula.
kaya pala napakaganda…
dugong ipininta sa buhay na “wala”.
Dugong ginamit mismo ng pintor.
Dugo mismo ng Pintor.
na hindi maaaring ipapinta sa iba.
dahil Siya ang may ari..
ng canvas na itong nakatingala sa langit, pero sayad sa lupa.
oo, isang blangkong canvas
isang blangkong buhay
na wala nang mas ikagaganda ang kahulugan na katumbas,
kung Dugo ay ang mismong kulay.
pula. dugo. pula.
buhay, nilagay. binigay. sa wala.
sa buhay na blangko’t, kahulugan hinahanap.
kulay lang pala ang pangarap.
kulay ng Pintor na dugo’y nagdanak
upang maligtas sa sariling pagtanggi at pagtanaggap
para matawag mo na akong, “anak”
ang pagpinta mo sa krus.
ganap.
ganap.
linya, puro linya…punong puno ang mundo ng linya. kwadrado, bilog, tatsulok…hugis, puro hugis ang mundo.
mga linyang gumagawa ng kapatagan,
building, kalsada, notebook, pintuan, bintana… walang makakatakas sa isang mundong punong puno nito.
istraktura. istraktura.
at hindi lang mga bagay ang mga alipin!!! istraktura sa kultura, sa pananaw, pagtingin…
istraktura sa pamumuhay, sa pagbihis, sa pagkain, sa pagsalita, sa pag gawa, sa lahat lahat, istraktura ay hari! istraktura ang namumuno. ito ang “home” ng mga tao na nagbibigay ng security, safety, at lahat ng kinakailangan para sa buhay na “maayos” at “tama”.
1, 2 ,3, 4. apat na sides, square. tama lang. sakto lang. napakahilig natin sa square. napakahilig natin sa 4 na sides. napakahilig natin sa box.
1,2,3, tatsulok. aba oo! kitang kita naman, pati sa kanta ng sikat na banda, ang kapangyarihan ng tatsulok sa buhay Pilipino… kahit hindi Pilipino pala.
0, oo.. bilog. paikot ikot, paulit ulit, napakahalaga satin ng hugis na ito. ito na ata ang pinagtitiwalaan ng bawat nilalang sa mundo… gumawa pa ng sikat na quote. “Bilog ang mundo” ..uulit at uulit lang. paikot ikot lang. babalik lang sa dati ang bago.
hugis puso? oo naman. baka ito na ang nagpasmile sayo sa pagbabasa nito. :) diba? kilig diba? oo, puso. minsan nakakalimutan natin lahat ng hugis basta lang may hugis puso.
hugis tala? oo. hindi man natin mapansin, nalulunod tayo sa buhay ng isa pang tao na hindi naman natin talaga kilala. nakikita at nakikilala lang naman natin sila sa isang maliit na hugis square kung saan sila sikat. pero, di naman talaga natin sila kilala… pero para bang 90% ng buhay natin nakakubli sa mga hugis star…
Oo, puro hugis, puro linya, iba ibang kagandahan at uri ng mga hugis na bumabalot sa buhay ng tao. iba ibang hugis at linya na sumasakop sa mundo.
iba-ibang kinds iba-ibang pattern.
pero ano ang pinagkapareho nila?
una, lahat sila, may boundaries.
ano ang sinasabi ng square. security.
ano ang sinasabi ng tatsulok. justice.
ano ang sinasabi ng bilog. buhay.
ano ang sinasabi ng puso. relasyon.
ano ang sinasabi ng star. kapangyarihan.
lahat yan, dyan tayo nagpapasakop. hindi natin alam, na lahat sila… oo, lahat sila, may boundaries. BOUNDARIES.
pangalawa,
lahat sila, pattern.
ano pa ang mga pattern sa buhay?
gising, tulog. ligo, alis. trabaho, pahinga. saya, lungkot. bata, tanda. hakot, bigay. tanggap, tanggal.
isang malaking pattern ang mundo.
ito ang sinasabi ng mundo, ng mga linya, at ng mga hugis sa mundo natin. lahat ito, iikot lang at iikot. kasali ka na sa ikot ng mundo, kaya pagdadaanan mo lahat ng ito. at iikot lang ulit.
kung yun ang sabi ng mundo, ano naman ang sabi ng Lumikha?
“Nakita mo ba ang Kalawakan? “
pinakita Niya ang mga building, ang napakaraming linya, at hugis ng building sa mundo… tapos iniharap Niya sa kalawakan…
BOOM.
“ganyan kayo gumawa… Ako, ganito gumawa..”
Beautiful mess. oo. para satin kasi “mess” eh.
Sabi sa Romans 12:2…
“Do not conform any longer to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind…”
hindi natin namamalayan na most of the time, kahit kilala na natin si God, gumagalaw at nagpapasakop parin tayo sa “pattern” ng world.
tinatanong natin si God, bakit paulit ulit ang sakit, paulit ulit ang curse…
alam mo ba na ang curse, pattern mismo?
nakasaklob siya sa pattern ng kasalanan. kahit ipagpray natin yan, kahit gaano kataimtim ng prayer, kung hindi tayo mismo umalis sa sakop ng pattern ng mundo, hindi siya mawawala. saan ba buhay ang pattern ng sin? oo, sa mundo….
kung lahat tayo nasa loob ng mundong punong puno ng linya, hugis, at istraktura, paano na?
Do not any longer CONFORM. ang pagconform, ang pinakamadaling gawin. dahil wala kang gagawin. magcoconform ka lang. tatanggapin lang. andun ka lang. tanggap. mabuhay ka lang. hinga lang. inhale.. exhale.. ayun! yun na yun! nagconform ka na!
kaya nga may utos na “Do not” ibig sabihin, ang una nating kailangang matutunan,
1. meron tayong choice.
oo, ang buong mundo man ay gumalaw sa pattern niya, sa pagikot niya, at kahit mismong sukat niya ay bilog, may choice tayo. meron tayong choice na hindi magconform.
Isaiah 55:9
“For just as the heavens are higher than the earth, so my ways are higher than your ways and my thoughts higher than your thoughts.”
square o box. security…
PERA. trabaho. career. investments. stocks. shelter. dreams. future. future. future..
kahit ang future natin hindi natin alam.
Luke 12:19 - 21
“And I’ll sit back and say to myself, “My friend, you have enough stored away for years to come. Now take it easy! Eat, drink, and be merry!”’
“But God said to him, ‘You fool! You will die this very night. Then who will get everything you worked for?’
That’s how it is when a person has material riches but is not rich in his relationship with God.”
tatsulok. justice.
government. politika. war. good vs evil. right vs wrong. rich vs poor. religion
Isaiah 61:8
“For I, the LORD, love justice; I hate robbery and iniquity. In my faithfulness I will reward them and make an everlasting covenant with them.
Zecharaiah 7:9
“This is what the LORD Almighty says: ‘Administer true justice; show mercy and compassion to one another.
Isaiah 1:17
Learn to do right! Seek justice, encourage the oppressed. Defend the cause of the fatherless, plead the case of the widow.
mismong relihiyon natin, oo. minsan na ilalagay naihuhugis natin sa ating sariling pagkakaintindi… ano ba ang ibig sabihin ng relihiyon para kay God?
James 1:27
Religion that God our Father accepts as pure and faultless is this: to look after orphans and widows in their distress and to keep oneself from being polluted by the world.
bilog. buhay.
lifestyle. trends. principles. philosophies. laws. lifespan. seasons. study-work-retire.
Sabi nga ng wisest man in the world na nagngangalang Solomon….
Ecclesiastes 1:9, 14.
“History merely repeats itself. It has all been done before. Nothing under the sun is truly new.”
“I have seen everything that is done under the sun, and behold, all is vanity (in other versions. ‘meaningless’) and a striving after wind.”
hugis puso. relasyon.
friends. best friends. gf. bf. pamilya.
oo. mga kaibigan, matatalik na kaibigan. “babaeng kaibigan” o “lalakeng kaibigan”. kahit ang ating pamilya… may limitasyon din sila.
Sabi ni Jesus..
Matthew 10:37
“If you love your father or mother more than you love me, you are not worthy of being mine; or if you love your son or daughter more than me, you are not worthy of being mine.”
actually, hindi naman talaga natin sila pag-aari, pero para bang yung dependence natin sa kanila ay yung tipong inaangkin natin sila…
sabi ni Job,
Job 1:21
He said, “I came naked from my mother’s womb, and I will be naked when I leave. The LORD gave me what I had, and the LORD has taken it away. Praise the name of the LORD!”
hugis star. power. kapangyarihan.
Fame. popularity. being on top. top 1. authority. influence. fans. admiration. success. victories. talents. gifts. strengths. skills. achieved dreams. high position. promotion. higher salary. pinaghirapan at nakamtan…
may isang lalaki na sobrang passionate about following the commandments, at nung pinuntahan niya si Jesus para magtanong kung ano pang gagawin niya, ito sabi ni Jesus..
Luke 18:22 - 24
“he said, “There is still one thing you haven’t done. Sell all your possessions and give the money to the poor, and you will have treasure in heaven. Then come, follow me.”
“But when the man heard this he became very sad, for he was very rich.”
“So when Jesus saw how sad he was, he said, “How hard it is for rich people to get into the kingdom of God!”
Mahirap, kasi ang mga pinaghirapan natin pa mismo ang hinihingi ni God sa atin…
sa totoo lang, oo, mas madaling magconform. baka nga ito rin ang reaksyon nating mga nagbasa nito dahil ang hirap talaga hindi magconform.
”..But be transformed by the renewing of your mind.”
paano marerenew yung mind? paan tayo hindi magcoconform? kung sobrang hirap?
if the world says “hold on”, grasp all you can, take whatever you can, experience all you can, Jesus says, “let go.” :)
“If you cling to your life, you will lose it; but if you give up your life for me, you will find it.”
Matthew 10:39
all of the things we have, all the things we own, all the things we love, we live for, everything, when we let go of them, it can be the hardest decision that we’ll ever make. it’s like letting go of a tight rope that has kept you from falling ever since. it’s like leaving a boat that has brought you to places, sustained you, protected you all this time.
but maybe that’s why God is shaking your boat. Maybe He doesn’t want you to stay there. He wants you to go there, where He is… walking on water. He wants you not cling anymore to a boat that’s shaken every time there is a storm. a relationship, a career, a dream, a security… He doesn’t want you to stay afraid of the things that may come to shake your boat. If He has to, He can shake that boat over, but He doesn’t. He’s giving you the choice to step out. yes. Step out of that boat. of that world. of that boundary. of that boat. so you can walk in faith. so you don’t have to be afraid anymore. fearing nothing. surrendering everything. He wants you, yes you… to walk on water. with Him.
Jesus said, “Truly, I say to you, there is no one who has left house or brothers or sisters or mother or father or children or lands, for my sake and for the gospel,
But he shall receive an hundredfold now in this time, houses, and brethren, and sisters, and mothers, and children, and lands, with persecutions; and in the world to come eternal life.
Mark 10:29 - 30
But many who are the greatest now will be least important then, and those who seem least important now will be the greatest then.” Mark 10:31
We have a choice. not to conform.
We are transformed when we “let go”
Romans 12:2 (New Living Translation)
“Don’t copy the behavior and customs of this world, but let God transform you into a new person by changing the way you think. Then you will learn to know God’s will for you, which is good and pleasing and perfect.”
After we let go, then we will be able to see clearly kung gaano kaganda si God. kung gano kaganda ang plano Niya para satin. Kung gano Niya tayo kamahal.
pag nakasama na natin Siya sa tubig, naglalakad. :)
”For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.“
Jeremiah 29:11
ipagtapat mo ang mundo at kalawakan.
ipagtapat mo ang lupa at ang kalangitan.
Kung Siya at ang mundo’y pinag tapatan,
hindi maikakaila ang kabalintunaan.
wala nang mas madali pa sa pagpapasakop sa sanlibutan.
Pero, wala nang mas gaganda pa
kapag ang buhay mo ay Siya ang huwaran. :)
“And being in agony He was praying very fervently; and His sweat became like drops of blood, falling down upon the ground.”
How did Jesus really feel?
At the famous last supper that is grandly painted with the famous artist’s hand, people keep looking for Judas. as if it were the mystery and the challenge of the artist to the audience.
Jesus knew..
Jesus knew who it was.
Jesus knew who was going to betray Him.
who was going to trade the knowledge and the direct contact to “TRUE LOVE” Himself to 30 pieces of silver…
trade the years of sharing, years of mentorship, years of relationship he had with the Son of God who showed him everyday how He loved us so much.
Jesus knew… Jesus loved.
Jesus decided to call him. even call him as his disciple. one of Jesus’ closest. Jesus’ circle.
Jesus washed his feet.
if da Vinci really aimed for the audience to capture the mystery of who Judas was, maybe it’s the perfect plot.
you could take a guess, based on the position, the gesture, the pose,
but you’ll just miss the point if you don’t look outside the box.the 4 corners of that painting. yes. literally…
maybe you can’t find it because you’re looking for yourself..
who washed whose feet?
He did.
He washed your feet.
dirty? you bet…
But still. He washes your feet. and not only that.
Who called who?
He did.
He called you.
did you answer?
sometimes…
yes and no…
But he still. He still calls you..
Who taught who? Who found who?
He did.
Everything you needed to know about God.
about His love.
But who traded who?
you did. I did. we did.
even for a lesser value than 30 pieces of silver..
a pleasure. a satisfaction.
acceptance. security.
affection. happiness.
yes we did. we traded Him for less than 30 pieces of silver.
and sometimes we still do..
How did Jesus really feel?
even before all the physical pain. even before all the anguish of being struck with whips in bounded hands.
He experienced what could make a Savior shed tears like blood.
After the embraces He so loved to give you when you asked for them,
After all the small miracles He showed to make His love a bit more obvious,
After all the problems You two, together, faced.
After all the situations He has saved you from.
After all the broken hearted moments He carried you through.
After all that you know about Him..
…traded for something else.
But, He knew.
Jesus knew.
But still, He loved.
He loves.
Who loved who?
He did.
He does.
He still loves you.
He’s just waiting for you.
We could be even worse versions of Judas in our own ways,
everyday, today..
But His love for us goes beyond betrayal.
Goes beyond tears like blood.
sa saliw ng You are for me - Kari Jobe :)
made a way for the blind to stop walking
made a way for the deaf to stop searching
made a way for the lame to stop shouting in the streets
you made a way for me to stop surviving.
made a way for me to see you in the midst of darkness
made a way for me to hear you, while the world is loud
made a way for me to come to you, even if i can’t walk.
made a way for me to start living.
made a way for me to stop seeking
made a way for me to stop blocking all the sounds around me
made a way for me to stop breaking my knees and legs for senseless walks and rushes of life.
made a way for me to stop. and just look to You.
and just look at You..
You are beautiful
You are wonderful
You are everything my eyes cannot give justice in describing
That i don’t need to. that i just need to really see You.
and let my eyes stay there.
stay there.
on Your compassionate eyes.
on that forgiving smile
on that tear that’s falling.
realizing that. that tear is for me.
You are gentle.
You are the ears that listen to me, when i am senseless.
You are the words that speak to me only when i let you.
and whie im asking you a million things about the tragedy of my life,
all You ever have are three words for me.
all i need to know.
all i need to know is what You always say.
“I love you.”
You are healer.
You carry me when I can’t get up from my own fall.
You’ve never really left me. I realize that, when i give up on You,
You carry me when I don’t want to walk with You anymore.
my heart is as fragile as the person i see in the mirror.
my yearnings are only for the senseless things in life, yet i still do. look for them.
my cries are for myself, my tears never leave me even in my bed.
and my life is as empty as my words.
But You see me.
You hear me. You listen to me.
You carry me. You heal me.
You love me.
You love me.
my heart is as precious as the sight of Your Son on that cross.
that You shed tears, i broke your heart when i said, “No” to You.
but You still did. You still showed me how You loved me.
and You didn’t just say “I love You” from above.
You didn’t just send an angel or a dove.
“For unto us a child is born”
You gave Your Son.
You gave Your Son.
so He could be there for me.
So i could have a tangible object to see that Someone REALLY really really loves me.
so i could understand what love is.
so i could finally receive it. even if i don’t deserve it.
so i could know it. so i could see it.
so i could see that it’s You.
It’s You.
my yearnings are what You look for.
even the simplest requests i have, You make sure i deight in them to see You.
not in them. but to see You.
the person i would wish for, the job i would prefer,
the future that i am obsessed with, but in truth, i’m just really afraid of.
the dreams that i buried.
all of them are noted by You.
so i could know Who gives them
so i could know why my heart searches for these things
so i could know they aren’t really what will make my life full.
so i could know that it’s only You that i need..
so i could know You.
You.
my cries are in Your heart.
no one listens to my brokeness and failures, and my regrets but me.
i am a mistake waiting to happen, i am a tragedy waiting for my moment of glory.
but that’s how You don’t see me.
that’s nt how You see me.
for You i am a child.
for You i can be naked. i can be broken. i can be who i really am.
just this. just a nobody. just no one.
but for You i am someone.
someone You can look at in the morning before waking up and make You smile.
someone You can enjoy the showers of rain with, when no one else is there.
someone You can dance with when i don’t have a partner.
someone You can hold tightly in Your arms when I’m sleeping.
i am someone, Lord.
just someone.
But You made me a son. a daughter.
You made me special.
for the first time in my life, i know i am worth something.
But I know I am not worth Your love
I am not worth Your Son.
I am not worth of anything but death.
but You made me worth Your life.
Your eternal life.
You are I AM.
You are.
You are all there is for me that i will need.
You are.
You.
My eyes.
My Ears
My body
My life.
is You.
binuksang puso
sinaradong pinto
binuksang isipan
sinaradong imahinasyon
binuksang mga mata
sinaradong panaginip
binuksang mga bibig
sinaradong emosyon
binuksang kapayapaan
sinaradong pagkakataon
binuksang kamay
sinaradong mga bisig
binuksang pag-ibig
sinaradadong pagsalita
binuksang galak
sinaradong kilig
binuksang kaalaman
sinaradong pagnilay
binuksang katungkulan
sinaradong katungukulan
binuksang yaman
sinaradong pagbigay
binuksang simoy ng hangin
sinaradong buntong hininga
binuksang pag asa
sinaradong pag-nasa
binuksang “habang wala pa”
sinaradong samantala
binuksan. sinara,
ang pintuan ng buhay ay ganyan ang daloy.
abante pagbukas, sabay hinto at para.
parang isang gamu-gamo sa kandilang umaapoy.
hindi alam ang hakbang na tatahakin
sa pagkat ang lampara’y hanggat brasong-haba lang ang makakapa
naaamoy ng mahalimuyak, pero hindi alam ang nakahain,
baka malakas lang ang pakiramdam, hindi pa pala luto.
pananampalataya o kawalan?
ang mata ba natin ay nakatungkod sa kinabukasan?
nakatingala sa hinaharap?
nakatulala sa mga inaasam na pangarap?
kawalan o pananampalataya?
kilala ba ang may hawak ng bukas?
sa hindi sigurado ba ay yuyuko nalang?
o itutuwid ang tindig at maglalakad, parang si Abraham, Esther, Moses na
tunay ngang walang pinagkaiba sa katulad mong isa lamang nilalang?
ano ba ang nasa hinaharap na kumukuha ng iyong atensyon?
sa lahat ng pangkasalukuyan ay naiiwan sa tipid at limitasyon.
ano ba ang bumabalot sa iyong pagdedesisyon?
tiwala o klarong direksyon?
hindi natin alam ang bukas, ngunit may pag-asa.
pero suriin muna ang pusong umaasa…
kaya mo bang bitawan ang paghanap at pagtingala sa iyong bukas… ?
kahit walang pintong bukas,
walang pintong sarado.
walang salitang nagsasabi na sobrang sigurado…
kaya mo bang bitawan ang paghanap at pagtingala sa iyong bukas… ?
dahil nakatingala ka sa mismong May hawak ng bukas…
huling hirit bago sumabak sa giyera.
huling buntong hininga
huling pag nginig ng mga kamay
huling pagpikit ng isip sa tibok ng puso… isa.dalawa..
huling pagtikim sa tuyong laway.
huling pag-alala sa pagkatulala sa lupa.
huling pagtingin sa dagat na kalma
huling pagkatuwa sa paglipad ng agila.
bawat patak ng pawis at pagsalo ng kilay
bawat hatak ng tiyan sa mga malakas na kaba
ang bawat tingin sa lupa at sahig ay pumapatak sa nakaraan, isa isa.
parang luhang hindi babalikan, bawat luha, paninindigan.
para sa isang buong pusong galaw
mula daliri ng paa nahindi makita, hanggang sa dalawang galamay
mahigpit o maluwag, pumili ka nang pagbuhos ng pusong umaapaw.
pumili ka ng armas para palayain ang iyong buhay.
paa, kamay, ulo, katawan
binti, bisig, tuhod, balikat
ilong, bibig, taenga, mata,
bawat isa bahagi. bawat isa mahalaga.
bawat isa na gawa ng Ama
bawat isa na niligtas ng Anak,
bawat isang hiningahan ng Espirito
handa ka na ba kumilos?
handa ka na ba gamitin sa giyera?
bawat isa ay
pang samba.
pang samba.
paikot ikot lang.
bangon, kain, tulog
trabaho, hirap, pahinga,
sakit, sarap, pikit, kurap
buhay, hinga, hinga, hinga.
butas na kapayapaan
butas na dinaraanan,
bakit parang walang pinatutunguhan,
bawat araw sa buhay, ang gabi lang ang sinisilungan.
maghanap ng makabuluhan
itong makakapagpasarap sa paghinga,
pag-ibig ng isa, pag-ibig ng dalawa, iba-iba
sakit na tinitiis, para sa pusong nagaasam ng nakakapaghanga
kinabukasan, isang ulit ng nakaraan.
suot na damit ay paulit ulit lang naman,
parang kwintas lang, bracelet, singsing, hikaw na pwedeng mailagay,
walang bago. iniiwasan lang ang umay sa buhay.
ang hanap ay kapayapaan,
kung meron man, ANO? saan? Sino ang pwedeng panampalatayaan?
maraming tanong kung paano, ano, saan, kailan?
pero hindi natatanong kung bakit.
matatapos din ang lahat ng sakit, ang lahat ng araw natin,
kapag wala nang pakialam sa mundo,
kapag wala nang pakialam sa gawa, sa salita, sa itsura,
kapag wala nang maisip kundi ang tanong na bakit,
dun lang sasagot ang may nakakaalam.
kapag lahat na ay tumigil.
pigil na ang gigil ng katawan sa bagong uso, bagong gawa, bagong salita.
may hinihiningi ang bawat isa, na hindi maintindihan.
baka hinihingi na natin ang bagay na tama.
lumingon, tumingin sa likod,
sa presensya ng sanlibutang nakaharap at naglalakad ng tuloy tuloy paharap
ikaw ay bumukod. sa kalabit ng alam mong nandyan palagi.
paglingon, hanapin. hanapin lang, at makikita, mararamdaman.
ang yakap na tumitindig noonng wala kang pag-asa
ang pag-ibig para sa puso mong walang kwenta.
ang hawak sa iyong kamay noong wala kang kasama
ang Nilalang na hindi katulad ng kahit sino sa mundo.
kahit kailan hindi ka pinaasa.
buong buhay mo, makita mo Siya araw araw umaasa.
pwede sa Krus, pwede sa simbahan,
sa pari, sa pastor, sa bundok, sa dagat, sa puno’t halaman,
pero gusto Niya makita mo siya hindi gamit ang mata,
gusto Niya sa puso mo Siya makilala.
kung may gagawin man tayong makabuluhan sa mundong ito,
sa paikot ikot at paulit ulit na gulong ng puso,
ito ay tumigil sa paglakad, at lumingon sa kumakalabit.
sa puso mo, simula pa noon, hindi lang sa rosaryong nakasabit.
mabigat, pero totoo,
alam mo naman sa iyong puso.
hindi mo malalaman, makikita, kapag palagi mo lang tinatago,
itong pusong humihingi ng saklolo, sa mundong wala naman talagang bago.
tanongin mo pangalan Niya,
hayaan na Siya’y magpakilala,
mabilis man o matatagalan, walang alala,
ang kailanagan lang talagang gawin na una,
ay pansinin mo na Siya.
*masrap basahin habang pinakikinggan ang Himig ng Pag-ibig - Asin”
anong tibok ng puso mo?
nalilibing sa ingay ng mundo
pinakikinggan ko pero di marinig
kung maramdaman, di nananaig
buo ang tuldok sa aking panaginip.
ngunit tuloy tuloy ang pagdaloy sa isip.
kapag dinadalaw ng nakaraan puso ko’y masikip
biglang ang hangin nagbabago ang ihip.
walang matunguhan ang pag-idlip?
sakit hindi mabaon sa mga salita o panghalip
mistulang anino lamang na sumusunod sa likod,
hindi umaalis, hindi nakikita…
Alam Niya ang nakaraan
alam Niya ang patutunguhan
kung mayroon man Siyang alam, na gusto Niyang iyong makamtan,
ay mahal ka Niya NGAYON
para ang kahapon at bukas, iyong makalimutan.
ano ang tibok ng puso mo?
sakit? pighati? paglaban sa bagay na hindi matamo.
mata mo, lumuha, mata Niya, lumuluha rin
hinihintay ang sarili’y patawarin.
ang Kanyang nag-iisang hangarin.
wala nang mas iihip pa sa hangin ng kalaban,
wala nang mas sasakit, sa sumbat ng sanlibutan
wala nang mas tatagal sa isip kundi ang pagsisisi,
wala nang mas mahapdi kundi ang mga bubog sa iyong mga bisig.
Wala nang mas malakas sa maliit na boses Niya,
tinutuldukan ang nakaraan mong wala nang bisa,
binubuksan ang gunita sa bagong pag-asang darating,
binubuksan ang bisig na sarado, upang mahawakan at ang dugo’y pigilin.
sa Kanya wala nang pagsisi,
hindi lang naiwan sa pagkukubli,
kinalimutan na Niya ang lahat ng pagkakamali,
sa puso mo’y kapatawaran ang pinapahawak sa iyong pagpili.
wala nang mas malamig sa mundo,
wala nang mas mainit sa yakap Niya..
kapag nadama, totoo sa puso,
kahit malamig ang kapaligiran,
ang pag-ibig Niya ang magiging buong mundo mo.
anong tibok ng puso mo?
nalilibing sa ingay ng mundo
pinakikinggan ko pero di marinig
kung maramdaman, di nananaig..
pero naririnig Niya.
kapag pinakikinggan ang puso mo’y, walang maingay.
nadirinig Niya ng malakas, alam mo ba?
dahil ikaw ang tibok ng puso Niya.
Liwanag ang katabi ng mga mata
sa piling ng aking nag-iisang Ama
tuwirang putol na ang mga salaming luma
binigyan ng isa pang pagkakataong makakita ang bulag na mga mata.
kalabit lang ayos na,
pero Yakap pa ang dinulot Niya.
tinungkod ang aking puso sa isang spotlight
upang mahulog. mabasag. mawasak. para sa Kanya.
Tinawid ang nakaraan.
patungo na sa Paliparan.
Wala nang mas liliwanag sa iyong ilaw.
Papa, wala na akong makita kung di Ikaw.
parang natulog sa kabute,
tinawag ng paonte-onte,
pinalabas mula sa isang malalim na kabibi
protektado, pero kulong. nakakakita ng dilim, liwanag, hindi.
sino lang ang tatawag sa isang katulad ko?
sa pagdating sa pag-agos ng pagsubok, paliko liko.
buhay na katawan, putol na ulo.
kung bumagsak, ang puso, parang nahating buko.
sinong tatawag sa isang katulad ko?
pag dating sa harapan Niya, palakasan ng “suntok”, para makigaya sa uso.
mapagmalaking puso,
pag dating ng pagsubok, subsob naman ang nguso.
sinong tatawag sa isang katulad ko?
black sheep, ugly duckling,
kung hayop man, kulang pa iyon sa paghahambing.
parang isang langgam, naghiihntay sa isang butanding…
sino ang tatawag?
sino ang magmamalakas loob?
sino ang tatanggap?
sino ang magsasaklolo?
kapag wala na ang pag-asa. pag hintay,
ang puso’y wala nang natirang husay, totoong patay.
may umusbong na liwanag, maliit, pero maliwanag.
“hindi kailangang Malakas ang Aking boses, anak.
…Ako ay tumatawag”
kapag ubos na ang lahat.
tubos Niya ang bigat. mga sugat. lahat. lahat.
kaya pala may kapayapaan.
kaya pala Yakap ang huwaran.
Liwanag. liwanag lang talaga para sa isang bulag.
para makita ang Iyong kagandahan.
araw araw, sa aking mga kalumaan, baho, pagkabigo,
Ikaw ang pinaka maganda sa paligid ko.
Ikaw. Ilaw. Nag-iisang sumaklolo.
Liwanag, nagngangalang Cristo.
Nagmamahal, bulag.
Mark 8:22-26